Hi po! Ngaun ay ang senior citizens week, Oct 1 - 7 at kabilang dyan ang pinakamamahal kong ina, si Luz Balais. At ngayon, Oct. 3 ay pumunta kame sa party ng senior citizen. Ito ay naganap ng 6:30 ng maga. Nagsimula iyon sa isang misa na pinangunahan ni reverent father Fidel Fabile. Pagkatapos noon ay ang kainan. Ako ay kumain ng palabok, 2 tinapay, at Milo. Ako ay nabusog! salamat sa panginoon :) . Pagkatapos ay isang maikli pero masayang programa kung saan si mama ay nagpresenta ng kanyang kantang 'Froline'. Ngayon ko lang syang narinig na kumanta ng ganoon. Ang galing nya. Maraming nag speech, nag cylindra, tumula, sumayaw, at kumanta. Ako ay lubos na natuwa sa pinakita ng mga senior citizen. Pero ako ay nabitin sapagkat ako ay umalis na sa kadahilanang ako ay may pupuntahan pa ;(.
Sunday, October 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment